Advertisers
Nasawi ang dalawang katao at tatlo ang sugatan nang bumagsak ang isang sibilyang helikopter sa Upper Barak, Quisao, Pililia, Rizal, 7:27 ng umaga nitong Martes, March 3, 2025.
Ayon sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad, lima ang pasahero ng helikopter kabilang ang da-lawang dayuhan.
Mabilis naman ang pagres-ponde ng mga emergency responder at ng pulisya sa lugar ng pinagbagsakan ng helikopter, agad dinala sa pa-gamutan ang mga sugatan. Ang dalawang pasyente ay kasalukuyang ginagamot sa Rizal Provincial Hospital sa Morong, habang ang isa ay dinala sa Rizal Provincial Hospital sa Binangonan.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa CAAP, patungo ang helikopter sa Quezon Province mula sa Maynila nang maganap ang aksidente.
Maglalabas ng karagdagang detalye sa oras na makumpleto ang paunang pagsusuri.
Walang bahay na nadamay sa pagbagsak ng eroplano. (Koi Laura/Edwin Moreno)