Advertisers
Inaresto ang isang pulis nang kidnapin nito ang 9-anyos batang babae sa Labrador, Pangasinan noong Pebrero 26.
Batay sa imbestigasyon, naglalakad pauwi ang biktima mula sa isang tindahan nang huminto sa kanyang harapan ang isang itim na sasakyan at sapilitang isinakay ang bata, at mabilis na umalis. Pero iniwan ang biktima sa Bugallon, Pangasinan kungsaan siya nasagip.
Habang nasa loob ng sasak-yan, napansin ng bata ang isang uniporme ng pulis na nakasabit sa likod. Positibo niyang itinuro ang salarin mula sa mga larawang ipinakita sa kanya, at muling kinilala sa isinagawang lineup sa Sual, Pangasinan police station.
Kinumpirma ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin, na kasalukuyang nasa kustodiya ng Labrador police station.
Binigyang-diin ni Colonel Arbel Mercullo, direktor ng Pangasinan police, ang kanilang paninindigan sa pagprotekta sa mga bata at sa mahigpit na pagpapatupad ng batas nang walang kinukunsinteng paglabag sa kanilang hanay.
Ayon sa Philippine National Police, naghain na ng kasong kidnapping at serious illegal detention laban sa pulis, na hindi muna pinangala-nan sa Prosecutor’s Office sa Lingayen, Pangasinan.