Advertisers

Advertisers

Suspek nainggit na walang dyowa… UTAK NG KARUMAL-DUMAL NA KRIMEN SA 2 PASLIT!

0 18

Advertisers

UTAK ng karumal-dumal na krimen ang naarestong suspek na nagturo at kasamang naghanap sa bangkay ng 2 paslit sa lumang sementeryo sa Morong Rizal.

Ngunit ang pagkukumwari ng suspek ay sumablay ng ang ituro nitong akusado ay nakapiit sa Baras PNP detention cell.

Dito, nabuking ang akusado ng ikanta ng isang bystander na dating sundalo na ang suspek ay nanakbong duguan ang damit mula sa lugar na kinakitaan sa bangkay nina Russe Ignacio Hernandez 12-anyos at ang batang babae na si Rhea Jane Pines Tayaban 13-anyos na kapwa brutal na pinatay.

Wala din umanong hot pursuit operation na naganap, bagkos kasama umano ng Morong PNP ang suspek sa paghahanap noong gabi ng Marso a-1, 2026.

Nauna rito, lumitaw din sa imbestigasyon na nairita ang suspek sa kantiyaw ng biktimang si Hernandez matapos na mag-away ang akusado at jowa nito.

Sinabi naman ni Morong PNP Chief P/Maj. Elmer Bonifacio, nainggit umano ang suspek sa mga victim dahil wala syang jowa kaya nya sinaksak mga biktima. (Edwin Moreno)