Advertisers
Ni Beth Gelena
Inihayag ni Matteo Guidicelli na ayaw na raw niyang magkaroon ng leading lady (bakit meron ba?) personal choice umano niya iyon.
Natakot kasi siya tungkol sa ‘baby plans’ nila ni Sarah Geronimo, ang kanyang misis.
Paliwanag niya, gusto raw niyang palaging makaramdam ng seguridad at masaya ang misis na si Sarah.
Inamin din ng aktor na humihingi na ng apo ang kanyang pamilya, ngunit tumanggi siyang pilitin si Sarah.
“Siyempre humihirit sila. Oo naman, pero ayokong i-pressure si Sarah,” pakli niya.
Pagdiriin ni Matteo, hinihintay nila ang “panahon ng Diyos” dahil naiintindihan niya ang matinding pressure na kinakaharap ng mga kababaihan hinggil sa pagbubuntis.
Natanong tuloy ang entrepreneur/actor kung selosa ba si Sarah kaya ayaw na niya ng may leading lady kapag may proyektong gagawin.
“Hindi naman, hindi naman, ako lang yan,” wika niya.
Esplika niya, “I want my wife to feel secure all the time and to be happy all the time. Kumbaga, desisyon ko lang yun.”
Samantala, natanong din ang tungkol sa estado ng relasyon ni Matteo sa pamilya ni Sarah.
Aniya, “mas maayos na ngayon.”
Hanggang doon lang ang sinabi ng mister ni Sarah. Mas
pinili niyang huwag nang magbigay pa ng detalye sa kasalukuyang kalagayan ng kanilang pamilya.
Binigyang-diin ng aktor ang kahalagahan ng pagpapakumbaba at “paghuhugas” ng mga alitan dahil ang buhay ay pansamantala lamang. Naniniwala siya na ang pagpapalaganap ng pagmamahal at pagpapasaya sa mga tao ay mas mahalaga kaysa sa pagkimkim ng sama ng loob.