Advertisers

Advertisers

Karagdagang suplay ng tubig ang hatid ng Water Subsidiaries ng Vivant Corporation sa mga Cebuano… SEAWATER DESALINATION PROJECT SA CORDOVA, MALAKING TULONG PARA SA SUPLAY NG TUBIG SA PINAS AYON SA MGA SENADOR

0 68

Advertisers

TINUKOY ng dalawang senador na isang malaking hakbang sa seguridad ng suplay ng tubig sa Pilipinas ang seawater desalination project sa Cordova, Mactan, at binigyang-diin na ang pagkakaroon ng ligtas at maayos na tubig ay isang saligang karapatang pantao.

Sa kaniyang talumpati sa ceremonial equipment installation ng seawater desalination plant ng Vivant group sa Cebu, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na sa pagsiguro sa suplay ng malinis na tubig ay magiging instrumental ang planta sa pag-unlad ng Mactan, habang napupunan nito ang hindi sapat na suplay sa maiinom na tubig.

“No household should have to suffer the indignity of unclean water, and the risk of illness and hospital expenses that comes with it,” ani Zubiri.



Umaasa rin si Sen. Risa Hontiveros, Senate Deputy Minority Floor Leader, na sa pagbubukas ng seawater desalination plant ay mababawasan ang mga banta sa kalusugan ng mga Cebuano na buhat ng hindi malinis at hindi sapat na suplay ng tubig.

Ito ang kauna-unahang utility-scale seawater desalination project sa bansa, na naglalayong magbukas ngayong taon sa Disyembre. Ang plantang ito, na may kakayahang gumawa ng 20 million liters ng potable o malinis at maiinom na tubig kada araw sa kaniyang first phase, ay papangisawaan ng Isla Mactan-Cordova Corporation (IMCC), isang subsidiary ng Vivant Hydrocore Holdings Inc. na may hawak na 25-taong kontrata para magsuplay ng desalinated na tubig sa Metropolitan Cebu Water District (MCWD).

“Our communities, and cities, and municipalities like Cordova need clean and sufficient water supplies to ensure that they will continue to be livable and nurturing spaces,” ani Hontiveros sa kaniyang talumpati. “The IMCC Desalination Plant is just the beginning of our journey towards a water-secure Philippines.”

Aniya, ang Senado ay patuloy na itataguyod ang mga batas para sa mga inisyatibo tulad ng mga desalination plant, na makakalikasan, energy-efficient, at makakasagot sa isyu ng suplay ng tubig.

Dinaluhan nina Zubiri at Hontiveros ang ceremonial equipment installation noong ika-7 ng Setyembre sa Cordova, humigit-kumulang 13 kilometro mula sa Mactan Cebu International Airport.

Ayon kay IMCC President at CEO Jess Anthony Garcia, ang 20 milyong litro ng tubig kada araw ay katumbas ng pang-araw-araw na pangangailangan ng 20,000 na sambahayan. Aniya, ang generation capacity ng planta, na inaasahang magsisimulang mag-operate sa unang bahagi ng susunod na taon, ay kaya pang tumaas sa 50 milyong litro kada araw.



Inilarawan naman ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang proyekto na isang “himala” na sumasagot sa isang mahalagang pangangailangan. “Kaya nating mabuhay nang walang kuryente. Pero kung tubig ang mawala, kahit dalawang araw, malaki ang banta sa buhay natin.”

Ang proyekto, na 70% ang pagka-kompleto, ay nagsimula nang mag-install ng mga bahagi nito para sa teknolohiyang state-of-the-art seawater reverse osmosis (SWRO). Ang reverse osmosis ay isang teknolohiyang ginagamit sa iba’t ibang bansa na nagtatanggal ng asin sa tubig-alat at gumagawa ng maiinom na tubig. Hangad ng proyekto na mapunan ang puwang sa demand at suplay ng tubig at hayaang manumbalik ang likas na suplay sa mga groundwater aquifer.

Ang pagpapatayo ng planta sa project site na may pahintulot ng Pamahalaang Bayan ng Cordova ay pinangungunahan ng Watermatic Philippines (WMP), isang joint venture company na binubuo ng Vivant Corporation at WaterMatic International ng Israel. Ang Israel ay isa sa mga nangungunang bansa sa produksyon, conservation, at teknolohiya ukol sa tubig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.