Advertisers

Advertisers

P.4m shabu nasamsam sa Quiapo

0 42

Advertisers

ARESTADO ang dalawang lalaki nang makuhanan ng P408,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District ang mga nadakip na sina Brando Martinez at William Sibal, kapwa residente ng Tondo.

Ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng MPD Barbosa Police Station 14 kaugnay sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) Biyernes ng gabi sa C. M. Recto Avenue kanto ng Loyola Street, Barangay 390 sa Quiapo.



Nakuha sa mga suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 60 gramo ng shabu. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">