Advertisers
TUNAY na walang kabusugan ang mga Intsik.
Pagkalaki na ng kanilang lupa na mistulang isa nang kontinente ay gusto pang mangamkam ng teritoryo ng maliliit na kalapit bansa.
Sa kanilang pambu-bully ay pinapakita nila sa buong mundo ang kasakiman at ipinararamdam ang kanilang military might daw para kung sakaling aatake na sila ay mapipigilan ang ibang world power sa kanluran na makialam.
Pero anumang pagyayabang nila sa ipinakikitang military hardware ay di nababahala ang ibang mga powerful na bansa sa mundo dahil alam nila ang tatak lang nito ay ‘Made in China’.
Ano ba meron sa teritoryo ng Pilipinas at bakit nais nilang angkinin nang ganun na lamang?
Yamang-dagat,oil exploration o sakupin ang bansa natin mismo kung saan ay malapit nang maging kontrolado ng mga Tsino ang sektor ng negosyo at iba pang aspeto sa buhay ng tao dito.
Kahit nga batas ng United Nations ay di na kinikilala ng mga timawang singkit.
Di nga lang magawa agad ang maitim na balak ng Pulahang Tsina dahil sa malaking interes ng Kanluran partikular sa ating bansa maging sa kalakal , daanan sa karagatan at espasyo sa himpapawid ay sadyang istratehiko.
Matagal na panahong nahimbing ang dambuhalang dragon pero nang magising ay tulo-laway ito sa paghasik ng takaw at kasakiman.
Pero di puwede ang lakas lang. Maraming aalma at lalaban.
Nariyan ang Western at European powers, Down Under, Rising Sun at iba pang Asian nations na madadamay sa kanilang kabuktutan.
Nagpakita na rin ng tapang ang Pilipinas sa wakas.
Buong giting na pinagtatanggal ng ating mga bantay-dagat ang mga inilagay na palatandaang teritoryo na ng mga Intsik ang West Philippine Sea.
Patunay ito na kahit isang pulgada ay di ibibigay ng Pilipinas ang teritoryo sa dayuhan.
Ganyan ang lider..kayang ipaglaban ang bayan!
Biruin niyo pag nasakop ang Philippines at naging probinsiya na lang ng Tsina ay tatawagin itong PIN LI PING..anak ng pating!!
Lowcut: Special shoutout sa aking bright na klasmeyt sa Paludpud Primary School sa Bgy. Paludpud,LaPaz,Tarlac na si Magdalena Manuit Felizarte na isa nang matagumpay na personahe bilang medtech na nakapagtatag na ng Medical Lab sa Kyusi.
Matagal ding panahon di na kami nagkita-kits, kundi sa social media ay mananatili na lang alaala ang mga kapaki-pakinabang na araw ng aming pag-aaral sa primary school. Kaya pala ay magkakaroon kaming magkakalase noon ng grand reunion sa lalong madaling panahon…see you soon MAGS!
Subaybayan ang maiinit na talakayang espesyal sa programang HOT TALK ni host / actress/ model LINDSAY MAGSAYSAY at tv host actress model/ beauty queen/ traveller vlogger KRISTINE QUINTO sa Flive at EuroTV..total entertainment indeed!