Advertisers

Advertisers

Grab sinisisi ng Solon na ‘di napabilang ang Move It sa MC Taxi Pilot study

0 15

Advertisers

Tugon lamang sa hakbang ng Grab na balewalain ang itatakdang regulasyon ng pamahalaan at paraan upang makopo ang sektor ng transportasyong gumagamit ng applikasyon sa social media kaya hindi napabilang ang Move It sa pilot program ng pamahalaan para sa motorcycle taxi upang matiyak ang patas na kompetisyon sa mga operator ng MC taxi.

Ito ang iginiit at paglilinaw ni Manila 3rd district Congressman Joel Chua, vice Chairman ng House Committee on Metro Manila Development (CMMD) hinggil sa rekomendasyon ng kanilang komite .

“The CMMD fully supports fair competition within the motorcycle taxi industry. In pursuit of fairness, we conducted a thorough investigation into Grab’s alleged back-door entry into the motorcycle taxi pilot program. This involved Grab’s acquisition of 99 percent of Move It’s business operations,” ani Chua.



Sa isinagawang imbestigasyon , sinabi ng mambabatas na natuklasan ang maraming pagkakataon ng hindi pagsunod sa mga wastong pamamaraan at ang pag-iwas sa mga regulasyon ng gobyerno na kinabibilangan ng tahasang pagbalewala sa desisyon ng Department of Transportation Technical Working Group (DOTr TWG) noong Setyembre 2021, na nagbabawal sa anumang pakikipagtulungan sa pagitan ng Grab at Move It.

Nalaman din na dati nang nagpapahiwatig ng paghahanagad ang Grab na maisama sa MC taxi pilot study ngunit binawi ang kanilang aplikasyon upang gumawa ng isa pang pagtatangka sa pamamagitan ng pakikipagsosyo sa Move It, sa kabila ng malinaw na pagtanggi ng DOTr-TWG sa pakikipag-collaboration nito.



Nabatid na nakuha ng Grab ang Move It noong Agosto 2022, sa teknikal na pagpoposisyon sa kumpanya bilang isang de facto fourth player sa MC taxi pilot study bilang pagsuway sa direktiba ng DOTr-TWG, na tinukoy na maaari lamang pumasok ang Grab sa industriya ng motorcycle taxi pagkatapos maipasa ang MC Taxi law.

Dahil sa rekomendasyon at desisyon ng CMMD, nagsagawa ng protesta ang isang grupo ng Move It sa Tondo,Manila upang ipahayag ang kanilang sentimyento at pangamba na mawalan ng kabuhayan na ikabubuhay ng kanilang mga pamilya.



Binigyan-diin ng mambabatas na kinikilala ng CMMD ang paghihirap na kinakaharap ng Move It riders ngunit dapat sumunod ang Grab sa due process kung nais nilang maging bahagi ng MC taxi program ng bansa. Aniya, hindi nila basta-basta pinapayagan ang isang dayuhang kumpanyang pag-aari na baluktutin ang mga patakaran at potensyal na dominahin ang app-based na sistema ng transportasyon ng Pilipinas.

“Our actions are driven by the goal of legislation. As Grab’s acquisition of Move It did not comply with the necessary rules to be included in the motorcycle pilot study. Move It should not be considered one of the players,” giit ni Chua.

Bukod sa mga paglabag na ito, nahaharap din ang Grab sa iba’t ibang akusasyon kabilang ang hindi nabayarang mga penalties, overcharging, pang-aabuso sa dominasyon, at pagmamaltrato sa mga riders nito. Nabigo umano nitong matugunan ang mga obligasyong pinansyal na itinakda ng Philippine Competition Commission (PCC). Sa kabila ng iniutos ng PCC na refund na P25.45 milyon sa mga pasahero, ang Grab ay nakapag-refund lamang ng kaunting P6.15 milyon.

Gayundin nagpatuloy ang Grab sa pagtataas ng pamasahe sa kabila ng mga multa ng PCC para sa sobrang singil, gaya ng kinumpirma ni PCC Division Chief Atty. Juan Antonio Arcilla.

Ang kanilang komisyon ay tinaasana din ng dalawang porsyento, na nakakaapekto sa kita ng mga driver-partners. Bukod pa rito, sa kabila ng dating pangakong hindi magtataas ng pamasahe, tumaas ang base fare ng Grab mula P45 noong 2019 hanggang P85 ngayong taon.

“Multiple reports of surge charging outside of rush hours were also flagged, violating LTFRB’s fare matrix guidelines, despite Grab’s claims of compliance,” saad ng solon.

“The CMMD’s recent decision should serve as “a firm reminder” to Grab that circumventing the country’s established rules and regulations is not acceptable and they must be held accountable for their actions,” ayon pa kay Chua.