Advertisers

Advertisers

‘MUKHA’ NG KILLER NG BRODKASTER INILABAS NG PNP

0 20

Advertisers

INILABAS na ng Philippine National Police (PNP) ang cartographic o computerized facial composite sketch ng isa sa mga pumatay sa broadcaster sa Misamis Occidental.

Ayon kay PNP Chief, General Benjamin Acorda, nakausap niya ang Regional Director ng PRO 10. “Nag-establish na sila ng SITG supervised by our DRDO sa region. May cartographic sketch narin and they were able to review all the CCTVs and may mga nakuha tayong mga escaped vehicles.”

Base sa computerized facial composite sketch, ang salarin ay nasa 5’5 hanggang 5’6 ang taas, kayumanggi, edad 40 pataas, 70 kilos ang timbang, nakasuot ng pulang sumbrero, green t-shirt at black short pants.



“The investigation is ongoing and nag-commit naman ang ating RD that they will do all their best to solve the case,” ani ni Acorda.

Ayon kay Acorda, mayroon nang mga nabanggit na mga motibo, pero tumanggi ito magbigay ng komento habang patuloy ang isinagawang imbesigasyon ng SITG, at patuloy na pagtukoy sa pagkakakilanlan at pagtugis sa mga nakatakas na salarin.



Pero sinabi ni Acorda na tinitignan mabuti ng SITG ang anggulong may koneksyon sa trabaho at gayundin ang personal na motibo ng pamamaslang.

Nagpoprograma si Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” nitong Linggo ng umaga sa kanyang istasyon na 94.7 Calamba Gold FM sa kanilang bahay sa Brgy. Don Bernardo Neri, Calamba, Misamis Occidental nang barilin ng malapitan ng isang lalaki na nagpanggap na may iaanunsyo sa radyo kaya nakapasok sa anchor’s booth.



Tinangay pa ng gunman ang kuwintas ng biktima matapos barilin ng 2 beses at mabilis na tumakas.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Hindi nagbigay ng timeline sa Acorda sa isinasagawang imbestigasyon ng SITG, sa halip ay inatasan niya na gawin ang lahat upang maresolba at madakip ang mga salarin upang mabigyan hustiya ang pamilya Jumalon

“In all my career in the service when I say timeline pagdating sa investigation I don’t do that. We expedite things but yung mag-create ng timeline mahirap, kasi we might be forcing yung mga pulis na mag-create kung ano anong drawing or scenario. What we want is yung katotohanan lang,” saad ni Acroda.

Nakikipag-ugnayan narin ang SITG sa pamilya Jumalon para sa patuloy na isinagawang imbestigayon at posibleng pagbibigay ng seguridad para sa mga ito.

Samantala, nakakuha na ng kopya ng CCTV footage at testimonya ng mga witness ang pulisya para sa imbestigasyon sa pagpatay sa broadcaster.

Ayon kay Police Regional Office 10 (PRO 10) spokesperson Major Joann Navarro, magagamit ang mga impormasyong ito upang matukoy ang mga salarin sa pagpaslang sa mediaman

Nakakuha na, aniya, ng mga impormasyon ang pulisya mula sa mga witness sa pamamaril ngunit hindi pa nila ito ilalabas upang hindi makompromiso ang imbes-tigasyon.(Mark Obleada)