Advertisers

Advertisers

Kotse bumangga sa truck: 4 kabataan patay

0 108

Advertisers

PATAY ang apat na kabataan nang sumalpok at pumailalim sa likuran ng isang delivery truck ang sinasakyang kotse sa Marcos highway, Antipolo City nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na sina Juanito Magsino Cataylo, residente ng 86 Sitio Kamias, Barangay Mambugan, Antipolo City, driver ng kotse; Kidrock John Magsino; Lawrence Ivan Jose; at Ireneo Balmonte, pawang residente ng Antipolo.

Sa ulat ni Paul Edward Tapales ng Office of Public Safety and Security (OPSS-Antipolo), kaagad nasawi ang mga sakay ng Honda City (WJW 929) nang sumalpok sa likuran ng isang delivery truck sa westbound ng Marcos highway 3:30 ng umaga.



Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng matulin ang takbo ng kotse dahil sa skid-mark ng gulong sa kalsada na may 40 hanggang 50 metro bago ito sumalpok sa hulihan ng truck (CBN-3039) minamaneho ni Glenn Cerino Gumban.

Dahil marahil sa bilis at lakas ng pagbangga, halos kalahati ng kotse ang nawasak na pumailalim sa truck.



Sinunusuri ng imbestigador ng Antipolo Police kung dahil sa illegal drag racing o kung may kinalaman sa alak ang insidente.

Sinisikap ng imbestigador na makakuha ng CCTV footage mula sa ilang establisimiyento sa lugar na malapit aa pinangyarihan ng aksidente.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">