Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DAHIL sa mapangahas na role ni Kim Chiu sa Linlang bilang Juliana ay dumating na nga ang kinatatakutan ng actress.
Ang Linlang serye ang pinaka-daring na role ni Kim na maile-level sa black or gray role not dark role.
Sa 17 years sa showbiz ni Kim ay sa Linlang bilang Juliana na asawa ni Paulo Avelino na nainlab sa kapatid ng kanyang asawa na si JM De Guzman niya lang ito nagawa.
Noon pa man ay sinabi nito na ang isa sa fear niya ay ang mamuhi sa kanya ang viewers.
At nangyari na nga at di nga nakaligtas si Kim sa senior citizens na haters.
Ika pa nito kay Kim sa komento na huwag maging kabit at magpakabait.
Thankful naman ang gf ni Xian Lim sa bumubuo ng team ng serye na pinilit at piniga ang TV host actress na ilabas ang pagiging Juliana.
***
Yasmien naudlot ang ambisyon dahil sa buhos ng proyekto
MUNTIK na palang iwan ni Yasmien Kurdi ang kanyang career showbiz kung natuloy ito na maging stewardess.
Sa socmed ay ibinahagi ng aktres ang kanyang mga free training sa isang flight sa Emirates.
Gusto lang daw nito makasama ang mister na si Rey Soldevilla na dating crew ng airplane na ngayon ay isa nang piloto.
Sa larawang ibinahagi ni Yasmien ay kita sa kanyang training na pursigido na itong lumipad.
Nahadlangan lang daw ito nang dumagsa ang kanyang mga proyekto kaya naudlot ang pagiging flight attendant nito.
Well, well, well…’Yun na!