Advertisers
NADAGDAGAN ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong buwan ng Setyembre ng kasalukuyang taon.
Ayon sa inilabas na pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistcs Authority (PSA) nitong Miyerkules, nakapagtala ng 4.5% na unemployment rate noong Setyembre o katumbas ng 2.26 milyong Pilipino edad 15 anyos pataas na walang trabaho Ito ay mas mataas kumpara sa 4.4% na naitala noong buwan ng Agosto o 2.21 milyong Pilipino na walang trabaho.
Mas mababa naman ito kumpara sa 5% na unemployment rate sa parehong buwan ng nakalipas na taon kung saan base sa year-on-year basis, nasa 234,000 ang nabawas sa mga Pilipinong walang trabaho.
Ipinaliwanag ni PSA National Statistician USec. Claire Dennis Mapa kung bakit bumaba ang labor force participation month on month sa 358,000.
Sa labor force participation rate pagdating sa kasarian noong Setyembre, nananatiling mas mataas ang bilang mga kalalakihan na nasa 74.7% kumpara sa mga kababaihan na nasa 53.4% noong Setyembre.
Kaya’t mas mataas din ang bilang ng mga kalalakihang may trabaho na nasa 95.9% kumapara sa 94.8% sa mga kababaihan. Subalit sa mga walang trabaho mas mataas ang porsyento sa mga kalalakihan na nasa 11.4% kumpara sa mga kababaihan na nasa 9.8%