Advertisers
DISMAYADO ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero sa Bulacan sa mabagal na usad ng kaso nito dahil hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa mareso-resolba ang pagka-wala ng mga biktima ilang taon na ang nakakalipas.
Daing ng pamilya’t mga kaanak ng mga nawawalang biktima, bukod dito ay wala rin anila silang natatanggap na anumang update sa mga otoridad mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) pagkatapos ng case conference sa Department of Justice (DOJ).
Kaugnay nito ay ikinalungkot din nila ang pagbabasura ng korte sa search warrant na may kaugnayan sa nasabing kaso na maaari anilang makatulong sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.
Matatandaang nitong Setyembre lamang ay naaresto ang anim na indibidwal sa Parañaque City na iniuugnay sa isa sa mga kaso ng missing sabungeros sa Maynila.
Samantala, sa ngayon ay wala pa ring nagiging pahayag ang PNP-CIDG ukol dito.