Advertisers

Advertisers

P12m marijuana nasamsam sa Isabela

0 5

Advertisers

ARESTADO ang apat na lalaki sa buy bust operation sa kahabaan ng Purok 1, Barangay Abut, Quezon, Isabela nitong Martes.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ericson A Wacnang, 25 anyos; Troy T Balloc, 21, Jesrael O Maggongoy, 18; at August Y Malnag, 28.

Anim na kahon na puno ng marijuana leaves ang nasamsam sa apat kungsaan naglalaman ito ng 12 piraso ng oblong shape trasparent plastic wrap at 64 piraso ng rectangular shape transparent plastic.



Sa kabuuan, may timbang na MOL 100 kilograms ang narekober na nagkakahalaga ng P12 million.

Bukod sa bulto-bultong marijuana, nasamsam rin mula sa apat ang isang baril na loaded ng 12 bala, isang unit ng Honda XR150, at isang traysikel na ginagamit ng mga suspek. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">