Advertisers
Inihahanda na ang kasong murder laban sa salarin na nasa kustodiya ng Makar Police Station nang patayin ang isang lalaki sa General Santos.
Kinilala ang salarin na si Bryan Abel Amarila alias Kurayot, 19 anyos, laborer mula sa Zone 1-B, Barangay Bula sa lungsod ng General Santos.
At ang biktima kinilalang si Baim Ago Intoman, 27 anyos, driver, mula sa Purok Kulasi, Brgy. Kagalang-galang, GenSan.
Ayon kay P/Maj. Carl Jayson Baynosa, Chief of Police ng Makar Police Station, natagpuan ang bangkay ng biktima sa Blk. 6, Lot 15, Bulaong Extension, Barangay Labangal na may saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib nito.
Sa imbestigasyon, nagkaalitan umano ang biktima at si Amarila.
Nalaman rin mula sa pamilya na galing ang biktima sa isang lamay ng kakilala nito.