Advertisers
PATI si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ay apektado, nalulungkot sa paghihiwalay ng 11-taong relasyon ng mga kilalang Philippine actress na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kilala sa kanilang loveteam bilang “KathNiel”.
Sinabi ni Justice Leonen na “painful” ang ulat na gumulat sa mundo ng showbiz Huwebes ng gabi matapos ang ilang linggong usap-usapang hiwalayan.
Sabi pa ng respetadong SC Justice, mayroong “better things on store for both of you.”
Nagpapasalamat din ito sa dalawa sa “memories”.
Kanya-kanya namang hula ang netizens sa paghihiwalay ng kanilang idols:
“Mayroong 3rd party dyan. Sino kaya?”
“Wala naman talagang forever sa loveteam sa showbiz”
Naungkat din ng netizens ang breakup nina Kim Chiu-Xian Lim, Sarah Lahbati-Richard Gutierrez at Kyline-Mavy, pati ang dating sweet lovers na Kris Aquino-James Yap, at Carmina Villaroel-Rustom Padilla.
Pati ang pag-ibig ng Philippines national hero Jose Rizal ay napag-usapan. At ang malupit ay nabanggit at natanong kung kailan naman daw ang breakup ng Bongbong-Sara.