Advertisers
NATAPOS na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang limang araw na COVID-19 isolation nitong Linggo, kung saan mabilis ang paggaling ng chief executive.
Matatandaang naka-isolate sa bahay ang Pangulo mula noong nakaraang linggo matapos itong magpositibo sa COVID-19 sa ikatlong pagkakataon.
Batay sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) lahat ng medical findings ay unremarkable at ang final diagnosis sa kaniya ay “recovered.”
Inirekumenda naman sa Pangulo ng kaniyang doktor na magsuot ng face mask sa loob ng 10 araw sa mga pampublikong pakikipag-ugnayan bilang pag-iingat.
Una nang inanunsiyo ng Palasyo na nagpositibo sa sakit noong Disyembre 5. (Vanz Fernandez)