Advertisers
HINDI suportado ni Senador Risa Hontiveros ang pahayag ng kaibigan niyang si dating Senador Leila de Lima na magbitiw na sa pwesto si Vice President Sara Duterte.
Kaugnay ito sa naging pahayag ni De Lima, na panghihimok kay VP Duterte na bumaba na lang sa puwesto kung kokontra lang ito sa mga hakbang ng pamahalaan lalo na ang pagbuhay muli ng peace talks sa mga komunistang grupo.
Ani Hontiveros, ang pagbibitiw ng sinumang cabinet official ay personal na nilang desisyon.
Ang bawat isang gabinete aniya ay nagsisilbi sa kagustuhan ng pangulo.
Paliwanag ng senadora, ang peace talks ay wala sa core competence ng portfolio ni Duterte bilang ito ay kalihim ng Department of Education (DepEd).