Advertisers
HINDI mahirap basahin ang pakay ni Sara Duterte sa kanyang pagtutol sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Filipinas at National Democratic Front (NDF na kumakatawan sa mga rebeldeng Communist Party of the Philippines (CPP) at National People’s Army (NPA). Nais niyang bumuo ng sariling paksyon sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maaaring gamitin na pantapat kay BBM.
Hindi alam ni Sara ang uri ng AFP sa kasalukuyan. Ang buong akala ni Sara ay kaladkarin ang mga opisyales ng AFP. Dahil sa kakitiran ng pag-iisip at kawalan ng kaalaman sa uri ng mga opisyales ng AFP, madali niyang masisilo sila para sa kanyang pansariling agenda. Mga propesyonal ang mga sundalo ng ating AFP.
Nakahanda silang ialay ang kanilang buhay para sa bansa. Pero hindi sila mangmang, baliw, at uto-uto upang magpakamatay kay Sara Duterte o sinuman sa pangkat ng mga kriminal sa Davao City kasama si Gongdi. Mahal nila ang bayan at walang duda diyan. Ngunit hindi nila mahal si Sara at mas lalong walang duda diyan. Hindi nila ibibigay ang kanilang buhay dahil kay Sara at mga Duterte. Hindi nila sisirain ang kanilang career dahil sa kanila.
Desisyong pulitikal ang peace talks na uumpisahan sa Enero. Tanging ang political leadership ng gobyernong Marcos ang may poder na magdesisyon kung bubuksan o hindi ang nabigong peace talks. Hindi kasama si Sara sa usapan at walang halaga ang kanyang opinyon. Walang saysay na magmagaling siya dahil hindi niya alam ang katwiran ng lideratong pulitikal.
Kasalukuyang inaayos ang agenda ng bubuksang peace talks na maaring umpisahan sa Oslo, kabiserang siyudad ng namamagitang Norway. Pangungunahan ni Lt. Gen. Rolando Joselito Bautista (retirado) ang gobyerno. Hindi pa inihahayag ang mga makakasama niya sa team na kakatawan sa gobyerno. Haharapin nila si Luis at Connie Jalandoni at Juliet Sison, ang mga lider ngNDF-CPP-NPA na nakabase sa Utrecht, the Netherlands. Si Juliet Sison ang asawa ng namayapang Jose Ma. Sison na namatay noong ika-16 ng Disyembre, 2022 sa Utrecht.
Dating DSWD secretary si Bautista sa gobyerno ni Gongdi.Naging commanding general ng Army, commander ng Joint Marawi Task Force sa Battle of Marawi, at hepe ng Presidential Security Group. Hindi malinaw ang mga paksa sa peace talks, ngunit maaaring repasuhin ang mga naiwang paksa noong 2017.
Bumagsak ang peace talks noong 2017 dahil hindi nagkasundo ang dalawang panig. Planong buhayin noong 2019, ngunit hindi seryoso si Gongdi sa muling pagbubukas kaya tuluyan na itong naglaho. Tinangka na muling buhayin ang peace talks noong Nobyembre sa ilalim ng gobyerno ni BBM.
Nag-umpisa ang usapang pangkapayapaan noong 1986 sa ilalim ng gobyerno ni Cory Aquino. Nagkaroon ng tigil putukan, o ceasefire, ngunit hindi nagkasundo ang dalawang panig at bumagsak ito. Nagkaroon ng limang beses na pag-uusap sa mga nakalipas na administrasyon, ngunit bumagsak pa rin.
Umaasa ang mga rebelde na maaaring magkaroon ng political settlement ang dalawang panig sa ilalim ng administrasyon ni Gongdi, ngunit bumagsak noong 2017. May pagtatangka na buksan muli noong 2019, ngunit hindi seryoso si Gongdi at hindi natuloy.
Itinuring na kaalyado ng mga mga rebelde si Gongdi, ngunit sa huli, patraydor na pinagpapatay umano ni Gongdi ang lider ng armadong pakikibaka sa bansa. Sa huli, walang nabuong kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.
***
NAPULOT ko sa social media. Isinulat ito ng isang Arabong blogger, Hoda Jannat. Nagulat ako sa datos. Hindi ko na isinalin para hindi lumabnaw ang mga punto niya. Aniya:
Suddenly we discovered that Gaza, which is inhabited by 2 million people has 36 hospitals.
There are Arab countries with 30 million citizens and they do not have this number of hospitals.
Suddenly we discovered that Gaza was getting water, electricity, gas, and fuel for free from Israel. Of course, there is no other Arab citizen who does not pay water, electricity and fuel bills.
Suddenly we discovered that Gaza was receiving $30 million a month from Qatar alone
And $120 million a month from UNRWA
And $50 million a month from the European Union
And $30 million a month from US
There are Arab countries drowning in debt and they can’t find anyone who would help them even with one million dollars.
Suddenly we discovered that Gaza was not besieged, and all goods were entering it, as were foreigners and people of foreign nationalities. Its residents were traveling to Egypt and from there to the rest of the world, and Fafo is the biggest example.
Suddenly we discovered that Gaza was living better than many Arab countries…and its people were living better than many Arab people.
Suddenly…we discovered that our minds were besieged by a programmed lie…by the (Muslim) Brotherhood media.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Pinanood ko ang trailers ng MMFF entries. mukhang may future ang Philippine film industry. Gomburza, Firefly, Mallari, Kampon at Rewind ang gusto kong panoorin. Tiningnan ko ang mga direktor. Ang babata pa nila. Siguro panahon nang gumilid ang mga tanders na bilasa ang mga film.” – Miyako Izabel, netizen, kritiko
“Isa sa pinakawalanghiyang senador si Win. Pamilya niya ang lumapastangan sa kaligiran ng Sibuyan, isla sa Romblon. Pamilya niya ang nagtayo ng reclaimed island gamit ang Chinese dredging firm na balitang nag-eespiya sa U.S. Embassy. Ngayon, siya ang tumatawag ng “soft tack” sa China na kumakamkam sa ating teritoryo. Hindi niya naipaliwanag kung ano ang soft tack. Malambot talaga si Win. Taksil sa bayan.” – PL, netizen, kritiko
“Sara should be stopped for Presidency in 2028. We had experienced the hell of her father, do we need a repeat? All indications with her are going that way..” – Mac Llemos, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com