Advertisers
Dinepensahan ni dating opisyal ng Presidential Anti-Corruption at abogado si Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa mga kumakalat na fake news at mga maling paratang laban dito.
Mariing pinaalalahanan ng batikang abogado at dating Presidential Anti-Corruption Commissioner Atty. Manuelito Luna ang ilang vlogger tungkol sa mga walang habas na pagpapahayag ng mga ito ng mga maling impormasyon sa kasalukuyang Pangulo ng bansa.
Aniya, karapatan ng mga vloggers ang magpahayag ng kanilang mga opinyon bilang isang Pilipino o mamamayan, ngunit may kaakibat na parusa lalo na kung maling pagpaparatang at maling balita na ang ipinapakalat ng mga ito na makakaapekto na sa publiko.
Sinabi pa ni Atty. Luna sa isang panayam, na ilang kababayan natin ang nanggugulo sa ating gobyerno.
“May nilalabas silang video sa SocMed na sinisiraan ang ating mahal na Pangulo na sa tingin ko gawa-gawa lamang ang video ito ng mga troublemakers/agitators at pawang walang katotohanan.”
Dagdag pa ni Atty.Luna na “ang isang Pilipino vlogger o Maharlika na nakabase sa Amerika ang nagsasabi ng scurrilous libels against our President.”
“Ang ginagawa niya ang labag sa ating batas at hindi sakop ng freedom of speech or of expression. Puro kasinunggalian ang sinasabi ng vlogger na ito na sinakyan pa ng isang vlogger na puro fake info naman ang kinakalat. Maaaring makasuhan ang 2 vloggers na ito ng Inciting to Sedition at Cyber libel,” dagdag pa ni Atty. Luna.
“Hindi nagpapalalat ng fake news ang isang responsableng mamamayan para guluhin, pahinain o pabagsakin ang gobyerno. Bilang Pilipino na nagmamahal sa ating bayan, hindi ako puwede na magbingi-bingihan na lamang habang inaalipusta at sinisiraan ang Pangulo, ang Presidency o gobyerno ng mga iresponsableng vlogger at content creator tulad ni Maharlika at iba pang vlogger.”
“Kahit kaunti lang ang naniniwala sa mga sinasabi o kinakalat ng dalawa at fake info lahat, they are a threat to our national security,”dagdag pa nito.
Paalala pa ng abogado na ang mga Vloggers at Content Creators na nagpapalabas at nagpapakalat ng mga libelous statements laban sa isang duly constituted authorities or the Republic of the Phils., maaring makasuhan ng Inciting to Sedition under the Revised Penal Code & Cyber libel under the Cybercrime Prevention Act of 2012.