Advertisers

Advertisers

‘Firefly’ may international screenings na!

0 9

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

GOOD news para sa Global Pinoys dahil aabot na sa UAE at California, USA ang screening ng 2023 MMFF Best Picture awardee na Firefly!

Mapapanood na sa ilang sinehan sa UAE ang Firefly simula January 18. Kasama rin ang pelikula sa Metro Manila International Film Festival sa Los Angeles, California na ipalalabas mula January 9 hanggang February 2.



Talaga namang padami na nang padami ang nakatutuklas kung saan matatagpuan ang mundo ng mga alitaptap. Kaya naman, mga Kapuso mula UAE at California, USA, huwag sayangin ang pagkakataon.

***



Black Rider umaariba!

TALAGA namang patuloy ang pag-arangkada ng full-action series na Black Rider hindi lamang sa TV kundi pati online dahil over half a billion views na ang serye sa GMA social media accounts!



Tutok ang sambayanan sa intense scenes na umiikot sa kuwento ni Elias at ang pagkamit niya sa hustiyang inaasam ng lahat. At ngayong napakilala na ang mapusok na karakter ni Michelle Dee ay lalo pang nagiging maaksyon at kaabang-abang ang mga eksena gabi-gabi. Ayaw din tantanan ng karakter ni Katrina Halili si Elias. At dahil sa kanilang paghaharap, mapapahamak nga ba si Elias at mabubunyag na ang tunay na pagkatao ni Black Rider?

Tutok lang sa Black Rider tuwing 8 PM sa GMA Prime at 9:40 PM sa GTV.  Mapapanood din ito online sa GMA Public Affairs Facebook at YouTube accounts.

***

Kapuso stars, pinaiinit ang umpisa ng taon sa regions

HAPPY talaga ang new year ng mga Kapuso from the regions dahil nag-uumpisa nang lumibot muli ang favorite GMA artists nila para maghatid ng saya at maki-join sa masasayang selebrasyon, courtesy of GMA Regional TV.

Naki-party ang ilang stars ng Asawa ng Asawa Ko na sina Rayver Cruz, Liezel Lopez, Martin Del Rosario, at Jeniffer Maravilla sa selebrasyon ng 48th Sinulog Festival nitong Biyernes (January 12) sa Kabankalan City Public Plaza, Kabankalan CIty, Negros Occidental.

Hindi rin siyempre nagpahuli sa paghahatid ng fun at entertainment nito ring Biyernes sina Kapuso stars Rocco Nacino at Andrea Torres, kasama si Kapuso Host Martin Javier, sa Binibini ng Kalibo Ati-Atihan 2024 na idinaos sa ABL Sports Complex, Kalibo, Aklan.

Isang jampacked na Lunes (January 15) naman ang dapat abangan ng mga Kapusong Tarlaqueño dahil masayang makiki-fiesta sa Kaisa Festival ng Tarlac City ang Makiling stars na sina Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Thea Tolentino, at Kristoffer Martin, kasama pa ang SparkleU: #Soundtrip stars na sina Althea Ablan, Zephanie, at Michael Sager. Magdadala rin ng good vibes si Pokwang at Kapuso Host Boobay sa fun-filled celebration na gaganapin sa Tarlac City Plazuela, Tarlac City sa ganap na 6 ng gabi.