Advertisers

Advertisers

Bgy. chairman patay sa pamamaril habang papuntang mosque

0 14

Advertisers

PATAY sa pamamaril ang barangay chairman ng Benuatan, Dinas, Zamboanga del Sur sa labas ng kanilang tahanan habang patungo ito sa mosque, Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Dinas Municipal Police Station, pumanaw sa mga tama ng bala si Modem Abu, nahalal na chairman ng Benuatan nito lang October 30, 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa ulat, nilapitan si Abu ng isang kotseng Toyota Vios na kulay dark gray at may plakang KAP 5330, at pinagbabaril ng mga sakay nito. Kaagad tumakas ang mga salarin nang natumba na sa gilid ng kalye ang biktima sanhi ng tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.



Natagpuan ng mga kasapi ng Dinas MPS at iba pang pulis mula sa iba’t ibang unit ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office ang kotse ng mga salarin sa isang coconut plantation sa Purok 3, Barangay Bubual hindi kalayuan sa bayan ng San Pablo na sakop din ng naturang probinsya.

Sinabi ng pulisya na hindi pa nila matukoy ang gunman at ang motibo nito.



Si Abu ang ikatlong barangay chairman na pinatay sa Zamboanga del Sur pagkatapos ng BSKE noong Disyembre.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">