Advertisers

Advertisers

Bisor ng Jollibee nagnakaw sa S&R, timbog

0 47

Advertisers

ARESTADO ang supervisor ng isang fast food chain nang mahuling nagnakaw ng ilang items sa isang membership shopping club sa Lucena City nitong Sabado.

Ayon sa report ng Lucena City police, nasa labas na ng shopping warehouse (S&R) ang supervisor ng fastfood (Jollibee) na hindi na pinaNgalanan nang arestuhin ito ng isang internal security staff ng establisiyemento.

Sa imbestigasyon, sa loob pa lamang ay na-monitor na ng guwardiya ang pagkuha ng suspek sa ilang items na palihim na isinisilid nito sa kanyang lalagyan at saka patay-malisyang lumabas ng tindahan.



Narekober dito ang isang pack ng Nutella & Go Hazelnut Breadstick; isang Kirkland Pink Salt; isang WD40 Aircon Cleaner na umaabot sa kabuuang halagang P3,574,00.
Itinurn-over na ito ng mga guwardiya sa Lucena City PNP.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">