Advertisers

Advertisers

EX-COP, 3 PA TIMBOG SA KIDNAPPING

0 16

Advertisers

NATIYEMPUHAN ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Pasay City Police ang pagdukot sa isang Chinese businesswoman ng apat na lalaki sa bahagi ng Roxas Boulevard, Pasay City nitong Lunes ng umaga.

Kabilang sa mga nadakip ang isang dating pulis na nasibak sa serbisyo noong 2003.

Nasa kostudya ngayon ng pulisya ang mga kidnapper na kinilala lamang sa mga alias Joe, 43 anyos; Jhing, 27; John, 25; at Arn-arn, 47.

Kinilala naman ang biktima sa alias Dana, 35, isang Chinese national.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng Pasay City Police Sub-Station 1 sa Barangay 6, 7:30 ng umaga nang mapansin ang komosyon.

Nasaksihan ng mga pulis ang pagdukot sa biktima mula sa kanyang puting BMW na sasakyan.

Ang mga kidnapper naman ay mula sa itim na Toyota Land Cruiser Prado, na hinihinalang pinalitan ang plaka at inaalam na kung hot vehicle.

Nakumpiska sa mga kidnapper ang isang kalibre .38 revolver, iba pang armas at shabu.

Inaalam pa kung ang mga nahuling kidnapper ang nasa likod ng mga kaso ng panghoholdap at pagdukot sa Chinese POGO workers.(Gaynor Bonilla/
Cesar Morales)