Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
VIRAL at trending na naman ang phenomenal loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa social media dahil sa kanilang hit romantic-comedy series na Can’t Buy Me Love. Nagpakitang-gilas na naman kasi ang DonBelle sa aktingan, na talagang pinupuri sila ng kanilang televiewers at kahit kami ay hanga talaga sa husay nila sa pagganap sa kanilang serye. Isa nga sila sa loveteam na paborito namin.
Bukod sa amin, maraming pumuri sa pag-iyak ni Belle sa isang eksena nila habang kino-comfort siya ni Donny. Grabe ang husay du’n ni Belle. Naiyak kami sa eksenang ‘yun. Parang feel na feel namin ang nae-experience ni Belle na may post-traumatic stress disorder o PTSD.
May mga nagsabi pa nga na baka ma-nominate si Belle sa iba’t ibang award giving bodies next year sa kategoryang Best Actress at posible pa nga raw na manalo ito. Nangangamoy best actress award nga raw ang dalaga sa ipinakita niyang performance sa nasabing eksena.
Natutuwa rin ang sumusubaybay sa serye dahil sa pag-tackle ng programa sa mental health issue na pinagdaraanan ng isa sa mga lead character.
Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa social media tungkol sa latest episode ng serye.
“Galeng! This is one show na talagang unpredictable. Grave ang twists and turns. Walang tapon na eksena. All the actors are superb.”
“You devoured this scene! Proudest of you, always!”
“Can’t stop crying. The BEST episode so far. Galing-galing n’yo DonBelle.”
“DonBelle is undeniably the best actors of their generation. Confirmed. Sila na ang kapalit sa iniwang trono ng kathniel sa ABS-CBN!”
“That’s Belle Mariano for you. Best actress of the new generation. She always delivers.”
Samantala, tuwang-tuwa at very proud si Donny sa co-stars niya sa Can’t Buy Me Love na sina Maris Racal at Anthony Jennings.
Bukod kasi sa tambalan nina Donny at Belle sa naturang teleserye, inaabangan at tinututukan din dito ng mga manonood ang loveteam nina Maris at Anthony.
In fairness, unexpected talaga ang pag-iingay ng tandem nina Maris at Anthony sa Can’t Buy Me Love, na lagi ring trending ang mga eksena sa social media lalo na ang mga batuhan nila ng punchlines.
Sa panayam ng ABS-CBN News, natanong si Donny tungkol sa pagsikat ng tambalan nina Maris at Anthony.
“I love them. That’s all I’m gonna say. Mga kapatid ko ‘yan.”
Happy din daw si Donny na nabibigyan na ng espesyal na atensiyon ang dalawa sa kanilang serye, “I think, Can’t Buy Me Love’ is Can’t Buy Me Love because of everyone there. So, I can’t wait for more of their scenes.”
Ayon pa kay Donny, parang tunay na magkapatid na raw ang turingan nila sa isa’t. Sa katunayan, anak na rin ang turing ng nanay ni Donny na si Maricel Laxa kay Anthony.
“He’s in the house right now. Literally. Kasi kagagaling ko lang sa bahay nandun lang siya. Sobrang close kami nun. As in, galing kaming taping ibang unit kagabi.
“Ngayon nasa bahay lang siya kasi nagkuwentuhan kami after. Hindi ko nga alam kung gising pa ‘yun eh.
“Basta si Anthonny very game lang siya, and sabi ko naman sa kanya na simula pa lang to at mas marami ka pang mapapakita sa mga tao, simula pa lang to,” dagdag pa ni Donny.