Advertisers

Advertisers

Kyline binalaan ni Manay Lolit sa pagdawit sa alagang si Paolo sa hiwalayan kay Mavy

0 7

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

DERETSAHANG pinagsabihan ng beteranang showbiz journalist at talent manager na si Lolit Solis ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa kanyang Instagram account.

Ito ay may kinalaman sa umanoý nasagap daw niyang balitang idinadawit umano ng aktres ang kanyang alagang si Paolo Contis sa naging hiwalayan nila ng ex na si Mavy Legaspi.



Ayon kay Manay Lolit, isinasangkot daw si Paolo bilang bad influence kay Mavy kaya nag-split sila ng former bf.

“Salve, uminit ulo ko ng marinig iyon tsismis na isinasali ang pangalan ni Paolo Contis sa break up nila Mavy at Kyline. Dahil daw sa bad influence ni Paolo kaya nakipag-break up si Kyline kay Mavy. Wow ha, talagang dapat masali ang ibang tao pag nagbi-break kayo? I have zero respect for people na nagba-bad mouth sa mga naka relasyon nila after a break up. Dapat pag hiwalay kayo, no bad blood. Tanggapin mo at mag move on ka,” sey ni Manay Lolit.



Nagbigay din ng warning ang talent manager na gagawa siya ng kaukulang hakbang kung sakaling totoo nga ang diumano’y ipinagkakalat nito tungkol kay Paolo.

“I don’t want to have a fight with Kyline, but I am giving her a warning na kung totoo ang mga narinig ko na sinasabi niya about Paolo Contis she will never hear the end of it from me. Kung mali ang alaga ko, tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero pag siniraan mo sila ng walang basehan, mag-ingat ka dahil hindi kita uurungan,” dugtong niya.



Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabihan pa niya ang Sparkle artist na maghinay-hinay sa umano’y kanyang pag-aakusa.

“So be careful Kyline Alcantara, huwag mo idamay si Paolo Contis sa mga hanash mo kay Mavy Legazpi. Kung may problema kayo, i-settle niyong dalawa at huwag magdamay ng ibang tao. Or else, I will do my part as Paolo Contis manager/nanay para ipagtanggol siya sa mga maling bintang sa kanya,” pagtatapos niya.

Bukas naman ang pitak na ito sa panig ni Kyline sa ikalilinaw ng isyu.