Advertisers

Advertisers

Nang mahiwalay kay Kathryn… Daniel hinahabol ng alat ang career; Netizens ‘di maatim ang tambalang Aga at Julia sa pelikula

0 42

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TULUYAN na ngang tinanggal si Daniel Padilla sa mga commercial ads na kasama ang ex-gf na si Kathryn Bernardo.

Kung dati ay kasama nito sa isang commercial ng softdrinks ang bf na si Daniel ngayon ay may bago na itong partner.



Yes, si Donny Pangilinan ang matunog na makakasama ni Kathryn sa nasabing commercials project na dating kay Daniel.

Sa kabilang banda ay may post naman si Karla Estrada sa kanyang socmed na billboard ng isang apparel na nakabalandra ang larawan ng anak.



Pero hinahabol umano ng alat si Daniel at tila may boykot daw sa nasabing apparel na si Daniel ang endorser.

Malaking bagay talaga sa karera ni Daniel nung sila pa ni Kathryn, aminin man o hindi ito ng  kampo ng aktor.



***

DAHIL sa age gap ay hati ang reaksyon ng netizens sa pelikulang pinagsamahan nina Julia Barretto at Aga Muhlach.

Early February ay mapapanood na ito sa mga sinehan.

May ilang na-curious at gustong ma- watch ang romantic film na ito nina Julia at Aga pero ang iba ay hindi raw maatim ang pagpapareha ng dalawa.

Natatawa naman ang netizens na dati raw mga tiyahin ni Julia na sina Gretchen at Claudine Barretto ay nakasama na ni Aga at ngayon ay ang pamangkin naman ng dalawang aktres ang kapareha nito.

Pakiusap ni Julia na bigyan daw ng chance or pagkakataon ng netizens na  panoorin ang tambalan nila ni Aga.

Well, well, well…’Yun na!