Advertisers
ARESTADO ng iba’t ibang sangay ng pulisya ang lider ng ‘Dongalo’ robbery/hold-up and carnapping group nitong Sabado (Enero 27) sa Taguig City.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) director Brigadier General Mark Pespes ang suspek sa alyas Kelly, 31 anyos.
Tinagurian si Kelly na top-most wanted person ng Taguig City Police at No. 2 top-most wanted person sa listahan ng SPD sa unang quarter ng taon.
Ayon kay Pespes, inaresto si Kelly sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery/holdup at walang kaukulang piyansa.
Bukod sa kasong robbery/holdup, naglabas din ng warrant of arrest laban kay Kelly ang Taguig City RTC Branch 153 nitong Oktubre 4, 2023 sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na may piyansang P100,000.
Kasalukuyang nakapiit si Kelly sa Taguig City.