Advertisers

Advertisers

P700K kita sa derby tinangay

0 8

Advertisers

NATANGAYAN ng mahigit sa P700,000 halaga ng kita ang isang sabungan nang salakayin ng holdaper sa Alfonso, Cavite.

Sa ulat ni Police Staff Sergeant Boyet Soriano ng Alfonso Police Station, tapos na ang derby at bitbit ng kaherang si alyas “Inah”, 25 anyos, ang ecobag na naglalaman ng kita ng sabungan nang mangyari ang insidente sa Alfonso Cockpit Arena, Barangay Mangas 2, Alfonso, 3:00 ng madaling-araw.

Pasakay na aniya ang babae sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ni alyas “Eric” nang sumulpot mula sa taniman ng mga gulay may 20 metro ang layo sa sabungan ang mga salarin.



Tinutukan nito ng baril si Eric, binantaang huwag gumalaw at saka nagpaputok.

Tumakbong pabalik sa sabungan ang kahera pero hinabol siya ng holdaper hanggang matisod ang una. Dito ay hinablot ng holdaper ang bag ng pera at tumakas.



Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">