Advertisers

Advertisers

4Ps members na nagsangla ng cash card aalisin

0 9

Advertisers

MAARING alisin na sa listahan ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nagsangla o nangutang gamit ang kanilang cash card.

“Nag-iispot check kami during the family development sessions na dapat dala nila (4Ps beneficiaries) ang ATM [cards] dahil bawal [‘yung pagsanla ng card]. They can be delisted from the program,” babala ni DSWD Director at 4Ps program manager Gemma Gabuya sa isang media forum nitong Pebrero 1.

Hinikayat ni Gabuya ang mga benepisyaryo na maging “model citizens” sa pagsunod sa mga panuntunan ng naturang programa.



Samantala, nagbigay na sila ng rekomendasyon para maamyendahan ang Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Law at isama sa probisyon nito na ma-penalize ang mga nagpapautang at nagsasanla ng kanilang cash cards.