Advertisers
ITINUTULAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggamit ng solar power irrigation na inaasahan niyang makapagbibigay ng dagdag na patubig para sa mga magsasaka.
Sa ceremonial palay harvesting at distribution ng government assistance sa Candaba, Pampanga, iginiit ni PBBM na ang solar irrigation project ay magbibigay-daan sa mas mataas na produksiyon at kita para sa mga magsasaka.
Aniya, ang isang unit ng solar power irrigation ay may kakayahan na magpatubig ng dalawampung ektarya ng lupa.
Plano aniya na ikalat ang libo-libong yunit nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa at bibigyan nila ng pansin kung paano ito maaaring mapondohan sa hinaharap.
Sinasabing sa pamamagitan ng solar powered irrigation, inaasahang tataas ang ani at makikinabang ang mga magsasaka. (Gilbert Perdez)