Advertisers
ISANG malawak at inclusive alliance mula sa iba’t-ibang religious organization, dating mga opisyal ng gobyerno at concerned citizens ang humikayat kina Pang Bongbong Marcos Jr. (PBBM) at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isantabi muna ang mga personal at pulitika at pangunahan ang reconciliation meeting at manguna sa interfaith prayer rally.
Sinabi ni Chairman Greco Belgica Jr, dating Commissioner ng Presidential Anti-Corrupt Commission (PACC) na nagpadala na sila ng liham kay FPRRD at positibo ang naging tugon nito sa kanilang liham.
Ayon pa sa nakababatang Belgica, ay nakapagpadala na rin sila ng liham o electronic mail noong isang linggo kay PBBM at ito ay idinaan nila sa tanggapan ni Executive Secretary Bersamin at DILG Secretary Benhur Abalos. Gayunman ay habang sinusulat Ang balitang ito ay Wala pang tugon ang pangulo.
Nabatid pa kay Belgica na nakausap na rin niya ang ilang miyembro ng pamilya ni PBBM at nangakong ipagbibigay alam nila sa Pangulo ang nasabing liham.
Sa isang presscon na tinawag na Covenant for the Nation na ginawa sa isang food establishment sa Maynila na dinaluhan nina Bishop Dr. Grepor Butch Belgica, M.Div., D.Min,; Bishop Reuben Abante, Chairman Greci Belgica, MNSA; Atty. Eduardo Bringas, Ret.; BGen. Carlos Quita at retired PBGen. Chairman Fortunato Guerero, sinabi ng mga dumalong bisita na napapanahon na para itigil personal at pulitikal na interes at simulang magpasukob sa Diyos.
Naniniwa na walang progresong matatamo ang isang bansa kung hindi ito magpapasakop sa Diyos.
“It is evident that the present political climate is causing significant divisiveness not only within the political arena but also among our fellow citizen,” isang bahaging ng liham.
“The repercussion of this discord are far-reaching, with potential to adversely affect the very people we have sworn to serve,” ayon pa sa liham.
Nauna dito, sinabi ni Senator Bong Go sa media na nagpakita ng positibong reaksyon ang dating Pangulong Duterte sa natanggap na liham.
Samantala nang tanungin ang mga panauhin kung ano ang gagawin nila sakaling ‘di bigyan pansin ni PBBM ang kanilang liham.
“Mananalangin po kami,” tugon ni Belgica at sinabing…”patuloy naming ipapanalangin ang Pangulo at sana pati ang taong bayan ay samahan kami sa aming panalangin.” (ANDI GARCIA)