Advertisers

Advertisers

Sen. Gatchalian iginiit obligasyon ng Senado umaksyon kapag naipasa na ang Articles of Impeachment vs VP Sara

0 2

Advertisers

MARIING iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na obligasyon ng Sennado na mag-convene sa sandaling maisumite rito ang Articles of Impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Sinabi ni Gatchalian, malinaw ang itinatakda ng Konstitusyon na dapat “forthwith” o agad na aksyunan sa oras na matanggap na ng Senado ang impeachment complaint mula sa House of Representatives.

“Kung ako ang tatanungin, napakalinaw ng Konstitusyon—dapat ituloy agad ang trial,” ani Gatchalian.
Ang naging pahayag ng senador ay kasunod ng inaasahang pagbobotahan ng Kamara sa Lunes kung ipapasa sa Senado ang Articles of Impeachment laban kay Duterte kung saan kinakailangan ng hindi bababa sa 106 boto upang umusad ang reklamo.



Ayon pa kay Gatchalian, posibleng ma-convene ang impeachment court sa Mayo 13 kung maipapadala agad sa Senado ang impeachment complaint sa Martes batay na rin aniya sa mga naunang pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III

Bagamat nilinaw ng Supreme Court of the Philippines na may discretion ang Senado sa interpretasyon ng salitang “forthwith,” sinabi ni Gatchalian na hindi ito dapat maging dahilan upang maantala ang proseso.



Ayon pa sa senador, mahalagang matuloy ang impeachment trial upang mabigyan ng pagkakataon ang parehong kampo ng prosekusyon at depensa na mailahad ang kanilang mga argumento at ebidensya.

Samantala, hindi rin isinara ni Gatchalian ang posibilidad na magkaroon ng mga mosyon o hakbang upang pigilan ang pagbuo ng impeachment court, gaya ng nangyari noong nakaraang Kongreso.



Gayunman, aniya, kailangang may malinaw na legal na batayan ang anumang hakbang na ihahain.