Advertisers

Advertisers

P100 UMENTO, KULANG PA PERO…

0 68

Advertisers

APRUBADO sa Senado ang P100 dagdag-sahod kada araw para sa mga trabahante ng mga pribadong kompanya na kung tawagin ay ‘minimum wage earners’.

Ito ang pinakabagong pasabog ng mga Senador mula nang sumiklab ang ‘digmaan’ sa pagitan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso dahil sa isyu ng People’s Initiative’.

Nailusot ng mga Senador ang panukalang ito makaraan ang ilang ulit na paratang na mabagal o kaya naman ay nilulumot daw ang maraming panukalang batas sa Senado.



Tila kakampi naman ng mga pribadong kompanya ang Department of Labor and Employment (DOLE) nang magpahayag ito ng pangamba sa posibleng negatibong epekto nito sa bansa.

Nakatutuwa subalit nakasusura rin na marinig natin mula sa DOLE na dapat sana ay kakampi ng mga trabahante subalit parang mas mahalaga pa sa kanila ang mga pribadong kompanya.



Nariyan pa [kasi] ang pangamba sa posibilidad na lalo pang tataas ang presyo ng paninda habang ang iba naman ay naghayag ng posibleng pagsibak ng mga trabahante dahil sa dagdag-gastos na dulot ng umento na ito.

Aba’y hindi pa nakuntento ang mga kakampi ng mga pribadong kompanya nang lumabas ang haka-haka sa posibleng pagtigil ng operasyon ng mga pribadong kompanya kung tuluyan nang maging batas ang panukalang ito ng Senado.



Sa kasalukuyan ay nasa mahigit lamang sa P600 ang suweldo kada araw ng ‘minimum wage earners’ kaya kahit madagdagan ito ng P100 kada araw o mahigit lang ng P2,000 kada buwan ay kulang na kulang pa ito.

Pero marapat lamang na hindi isagad o ilagay sa wastong kuwenta ang umento upang hindi mangyari ang mga pangamba ng DOLE sa negatibong epekto ng dagdag-sahod sa bansa.

Sa karkula natin ay halos nasa P500 ang wastong umento pero dapat ay ataduhin ang pagbibigay nito sa trabahante upang hindi naman mabigla ang kalagayang pampinansiyal ng mga kompanya.

Kaya sana ay isama sa panukalang batas ang kada taon na dagdag-sahod hanggang sa maabot ang wastong umento sa suweldo ng mga trabahante batay sa paggalaw ng ‘inflation rate’.

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com