Advertisers

Advertisers

2 patay sa motorcycle drag racing

0 9

Advertisers

NASAWI ang dalawa katao nang humantong sa disgrasya ang drag racing ng mga kabataan sa isang bahagi ng Cotabato-Kidapawan Highway sa Ulamian, Libungan.

Kinilala ang nasawi na sina John Lloyd Calawigan at Genevieve Daclan Villela na sakay ng tricycle na nabundol habang nakikipagkarera sa ilang kapwa drag racers na hinihinalang mga adik sa shabu.

Sugatan naman ang mister ni Villela na si Florante na siyang nagmamaneho ng tricycle na nabundol ni Calawigan mula sa likuran habang nakikipag-karera sa kapwa illegal drag racers.



Nasapol ng Raider 150 ni Calawigan ang likurang bahagi ng tricycle ng mag-asawa sa isang bahagi ng highway sa Ulamian.

Pinaiigting na ng pulisya ang crackdown sa drag racing sa lugar.



Ngayon lang aaksyon ang lokal na pamahalaan sa Libungan sa matagal nang reklamo ng mga residente tungkol sa halos araw-araw na illegal drag racing sa naturang bayan .

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">