Advertisers

Advertisers

Bomb maker ng CPP-NPA timbog

0 7

Advertisers

ARESTADO ang isang opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na siya rin bomb maker ng grupo habang iba’t ibang sangkap at gamit sa paggawa ng pampasabog ang nasamsam sa bahay nito sa operasyon ng mga awtoridad nitong Sabado (Marso 30, 2024) sa Pio Duran, Albay.

Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar si alyas “Ramir” na nagpapakilala rin sa mga pangalang Arsenio Opesa, Disoy, Andro at Domeng sa Purok 6, Barangay Matanglad ng nasabing bayan Sabado ng hapon.

Sinalakay ng mga awtoridad ang bahay nito base sa nakuha nilang impormasyon na nag-iimbak ito ng mga pampasabog. Bumulaga sa mga awtoridad ang sari-saring improvised explosive device (IED) gamit ang mga remote control, caliber .45 revolver, mga sangkap at gamit sa paggawa ng bomba.



Ayon sa pulisya, ito ang pinakamalaking bulto ng mga nakumpiskang IED sa Bicol region.

Nasa kustodiya ng Pio Duran Municipal Police Station ang suspek gayundin ang mga narekober ditong mga gamit sa pampasabog.