Advertisers

Advertisers

Daddy, 4-anyos anak niratrat-patay habang nasa folding bed

0 18

Advertisers

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang ama at apat na taon gulang na anak na babae sa harap ng kanilang tahanan sa Dolores, Abra, Miyerkules ng gabi, Abril 24.

Sinalakay ng hindi pa nakikilalang gunman si Arnel Zapata at ang kanyang anak na babae habang sila ay nagpapahinga sa folding bed.

Labing-isang basyo ng bala mula sa M16 rifle ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen.



Iniimbestigahan na ng Dolores Police kung ang pagpatay ay nauugnay sa trabaho ni Zapata bilang driver ng munisipyo at kung aksidenteng biktima lamang ang kanyang anak na babae.

“Maraming anggulo ang tinututukan natin. Patuloy ang aming imbestigasyon para mabigyan natin sila ng hustisya,” ani Dolores Police Chief, Major Harold Alagao.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">