Advertisers

Advertisers

Bebot siniksik shabu sa ari para ipasok sa Bilibid

0 22

Advertisers

ARESTADO ang isang babae nang makuhanan ng droga na nakalagay sa kaselanang bahagi ng kanyang katawan habang dadalawin sana ang isang preso na kanyang kamag-anak sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City nitong Linggo.

Kinilala ang nadakip na si Wilmar S. Castro, ng 2611 New Way Jenny’s Avenue, Rosario, Pasig City.

Ayon kay Bureau of Correction (BuCoR) Director General Gregorio Pio Catapang, nagtungo ang babae sa NBP sa Muntinlupa City upang dalawin ang pinsan na Jeric Fino na preso sa Dorm 4B, Medium Security Compound.



Nang sumailalim sa body search si Castro, napansin na may nakabukol sa kaselanang bahagi ng kanyang katawan. At nadiskubre ang tube na naglalaman ng shabu kung kaya’t kaagad ito inaresto.
Inilipat na ng BuCor si Castro sa custody ng Muntinlupa City Police, at nahaharap ito sa paglabag sa R.A. 9165, pagdadala ng ipinagbabawal na gamot.(Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">