Advertisers

Advertisers

MARCOLETA, DEFENSOR SWAK SA SUBORNATION OF PERJURY

0 8

Advertisers

POSIBLENG maharap sa reklamong subornation of perjury sina Senador Rodante Marcoleta at dating Congressman Michael Defensor dahil sa umano’y pag-coach ng mga ito sa naging testimonya ng dating tauhan ni ex-Cong. Zaldy Co na si dating Marine Orly Guteza.

Binawi ni Guteza ang kanyang mga naging testimonya na naghatid siya ng male-maletang kickback ng flood control projects kina dating Speaker Martin Romualdez, Pangulong Bongbong Marcos at ilang mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson, kung titingnan ang ebidensya at takbo ng pangyayari noong pagdinig ng Blue Ribbon Committee, maliwanag na kino-coach o dinidiktahan ni Sen. Marcoleta si Guteza.



Dito ay pwedeng kasuhan ng subornation of perjury si Marcoleta gayundin si Defensor kung may maghahain ng kaso.

Kabilang aniya sa maaaring magsampa ng reklamo ay si Romualdez dahil idinawit siya sa naunang pahayag ni Guteza.



Dagdag ni Lacson, isa pa ay maaaring magsagawa ang Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman ng preliminary investigation kaugnay ng posibleng kasong perjury laban sa mga nasa likod ng unang testimonya ni Guteza dahil tinuturing na public crime ang perjury.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">