Advertisers

Advertisers

Principal nambastos kina Atty. Falcis at Cong. Diokno kakasuhan

0 7

Advertisers

PINUNA ng content creator na si Lovely Granada ang isang principal na naglabas ng mga negatibong pahayag laban kay Atty. Jesus Falcis at Akbayan Representative Chel Diokno.
Sa nasabing post, pina-ngalanan ni Granada ang principal na si Randy Emmanuel Bulanon na kasalukuyang naka-base sa Balintataw-Dimasalang National High School sa Dimasalang, Masbate.
Sa mga ipinakitang larawan ni Granada, makikita ang mga sinabi ni Bulalon laban kina Falcis at Diokno, kungsaan ay sinabi nito na tirahin sa likod ang abogado at tanggalan ng ngipin ang mambabatas.
“The kind of principal na ginawaran pa ng award by DepEd Matatag,” ani Granada.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Department of Education (DepEd) sa kung ano ang aksyon na kanilang gagawin laban kay Bulalon na kasalukuyang naka-deactivate sa social media.
Samantala, humingi na ng paumanhin nitong Lunes ang principal kina Falcis at Diokno.
Ito’y matapos magsabi si Falcis na sasampahan niya ng kaso si Bulanon.