Advertisers

Advertisers

Timeless 2 ni Nick Nañgit, tutuntunin ang kasaysayan ng Musika, Sining, at Kultura ng Pinas  

0 27

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MAGIGING markado ang Timeless 2 ni Nick Nañgit kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan (Hunyo 12), kaarawan ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal (Hunyo 19) at Araw ng Maynila (Hunyo 24).

Dahil sa pagtitiwala at kasabay ng mga pagdiriwang na aktibidad ng Lungsod Maynila.



Thankful si Nick sa malaking pagtitiwala na binigay sa kanya.

Kaya bilang sukli ay pinabonggang palabas ang ibibigay ng Timeless 2  na pinagsama-sama ang Musika, Sining at Kultura kaya interesting ito.



Bukod sa pinahusay at pinabonggang pagtatanghal ni Nick sa kanyang Timeless 2 ay kasabay ang mga pintor na gagawa ng obra kaya kakaiba ito.

Fusion ito, at may mga sorpresa pa na dapat abangan.



Magkakaalaman na rin at masasagot ang mga tanong kung bakit may Kundiman, Ritmo at Harana.

Ipakikita na ang musika, sining, at kultura natin ay napakayaman.

Maririnig ang mga estilo ng ibang bansa gaya ng Tsina, Thailand, Korea, Japan, at iba pa habang binabaybay natin mula sa panahon na wala pa ang mga Kastilang nanakop sa atin hanggang sa mga digmaan at sa kasalukuyang panahon, kung kailan may mga OPM na.

Piling pili ang mga likha na maririnig ninyo mula Norte hanggang Timog ng ating bansa. First time na maririnig sa Pilipinas.

Kasama rito  ni Nick ang mga world class artists.

May mga operatic at pop singers, may koro, at bayolinista pa.

At hindi rin pahuhuli ang musika ng ating mga katutubo.

Kita kits sa Bulwagang Gat Antonio Villegas  sa  Manila City Hall ngayong Hunyo 29 ng 2PM.

Congrats in advance, Nick!

Another successful show na naman ang itatatak ng world class pianist na si Nick!

***

Maricel Soriano pinuri ang katapangan sa pagharap sa Senado, ‘di tulad ni Quiboloy

PINURI si Diamond Star Maricel Soriano sa tapang nito sa pagharap sa Senado.

Naikumpata pa nga si Maricel kay Pastor Apollo Quiboloy na di raw mahagilap.

Nagtatago na nga si Pastor ayon sa komento ni Cristy Fermin.

Kaya sabi ng netizens na sana raw gayahin ni  Quiboloy na harapin  ang pagdinig sa Senado.

Kung si Maricel nga raw ay first time lang masalang sa Senado ay naglakas loob na humarap sa hearing.

Well, well, well…’Yun na!