Advertisers

Advertisers

Jessa na-bash nang naka-make up habang naghuhugas ng pinggan

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGING isyu para sa ilang netizens ang paghuhugas ni Jessa Zaragoza ng mga pinggan habang kuntodo-make up at bini-video ng anak nila ni Dingdong Avanzado na si Jayda.

Tanong ng ilang bashers, kailangan daw ba talaga na naka-make up pa si Jessa kapag naghuhugas ng mga pinagkainan? Parang nagpapapansin lang daw ang singer-actress.



Sa isang panayam kay Jessa, ipinagtanggol niya ang sarili. Ipinaliwanag niya kung bakit naka-make -up siya habang naghuhugas ng  mga pinggan.

“Ayun na nga! Ano kaya kung maghugas ako ng pinggan tapos meron akong mga diamonds, di ba? Baka may masabi na naman sila. Ha-hahaha!”natatawang umpisang sabi ni Jessa.



Katwiran pa ni Jessa, “Kasi, di ba, pinapahula niya (Jayda) yung lyrics ng kanta niya sa akin? E, kasi, hindi naman yun planado.

“Bigla na lang na-ambush ako habang naghuhugas ng pinggan. Wala naman kaming katulong or helper sa bahay.



“Galing ako sa show noon. Nag-event kami sa St. Luke’s yata noon. Tapos, siyempre, ganu’n ako talaga kahit sa Amerika.

“Pagkababa ng kotse, hindi muna ako magtatanggal ng make-up. Hindi ako nakapagbihis, diretso sa kusina, hugas agad ng pinggan, kung ano man yung naiwanan ko du’n.”

Ibig sabihin, hindi yun ang first time na  ginawa niya yun at hindi naman talaga niya sinadya?

“Ay, hindi! Hindi. Hindi pinagplanuhan iyon. Talagang ano, organic.

“And I’m sure maraming working moms ang nakaka-relate. Kasi siyempre naman, gusto kong maglinis na ng katawan, magtanggal ng make-up, pag tapos na lahat yung gawain ko.

“Saka ako aakyat para hindi na ako pagpapawisan pa ulit,” aniya pa.

Sa tanong kung ano ang feeling niya kapag may mga namba-bash sa kanya nang dahil sa isang simpleng video.

“Alam mo, sa totoo lang, ewan ko, ‘yung mga taong nakakakilala sa akin, matagal ako bago ako maasar talaga nang bonggang-bongga.

“Isa ako sa mga deadma talaga. So, kapag sumasagot ako na ganu’n, hindi ibig sabihin, napipikon ako.

“Parang… ‘Ahh, ganun? Gusto mong maglaro? Laro tayo!’ Ha-hahaha! Ganu’n lang.

“Inano ko lang. Sinabihan ko lang din, in-explain ko lang. Para ngang biniru-biro ko pa, ‘Okay na ba sa iyo ang explanation ko? Malinaw na ba?’ Ha-hahahaha! Hindi naman seryoso yun,” sabi pa ni Jessa.

***

NOONG kasagsagan ng COVID-19 pandemic at habang ginagawa nila ang isa nilang pelikula sa Viva Films ay naghiwalay pala sina Kim Molina at Jerald Napoles.Ito ang inamin ni Kim sa isang interview.

Ito raw yung mga unang linggo ng pagli-live in nila noong 2021 makalipas ang ilang taong relasyon bilang magdyowa

Nagsimula raw ang lahat nang mag-away sila habang ginagawa ang pelikula nilang “Ikaw at Ako at ang Ending.”

“Ang suwerte ko lang kasi katulad niya (Jerald) yung kasama ko sa buhay at saka ka-loveteam. Hindi talaga mahahalata ng mga katrabaho namin na may nangyayaring pag-aaway or anything.

“Like, may ginawa kaming pelikula before na hindi alam ng lahat na nag-break kami. Share ko lang sa inyo, ang tagal na naman nito,” simulang sabi ni Kim

Patuloy niya,“During pandemic po kasi, adjustment. First time din namin na magka-live in ni Je. So, yung mga problem namin bilang magdyowa, nagkasama-sama, na-pile up. First time namin magka-live in

“Lahat naman ng problema namin, hindi namin mapagtuunan ng pansin na pag-usapan kasi kailangan namin kumita.”

“Kailangan naming magbayad ng bills. Kailangan naming mag-work. E, yung Ikaw at Ako at ang Ending, nagkataon na mga best friend namin yung mga nandoon.

“Ang direktor namin, si Direk Irene (Villamor). Hindi namin din sinabi kay Irene,” chika pa niya.

“Ang nangyari, ang location namin, sa Pagudpud, Ilocos Norte. Nag-away kami, nag-stay kami sa isang cottage. Nag-away kami, ‘Break na tayo!’ Nag-break kami.

“Tapos, tiningnan ko yung sequence guide (sa script), bed scene (ang kukunan) kinabukasan! Paano ko ito gagawin kasi drama po talaga yung Ikaw at Ako at ang Ending.

Ito kasi si Je, hindi po kami nakakatulog nang hindi kami nagiging okay. So, naging okay naman po kami after nu’ng bed scene na hindi naman sa mga kamera!” sey ni Kim sabay tawa.

Dugtong pa niya, “So, basically, naayos naman po namin yung aming problema pero walang nakakaalam. Kinabukasan, okay kami, natapos namin yung movie. Ngayon lang namin nasabi, ngayon ko lang talaga naikuwento.”

Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na panandaliang nag-break ang celebrity couple.

Kuwento pa ni Kim, “Nangyari na po siya before kahit Rak of Aegis (musical play), so we had to fall in love all over again onstage without the people knowing that there’s something happening off stage.”