Advertisers
TINAWAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “completely unacceptable” ang inihayag ng China na kanilang detention policy laban sa mga “trespassers” sa West Philippine Sea.
Pahayag ito ng Pangulong Marcos matapos ihayag ng Beijing na kanila ng pinapayagan ang kanilang Coast Guard na idetine ang mga trespassers na dumadaan sa kanilang territorial waters.
“That kind of action would be completely unacceptable to the Philippines. I do not talk about the operational details so you will [have to] leave it to us but the position we take is that is unacceptable,” ayon kay Pangulong Marcos.
Hindi naman idinetalye ni Pangulong Marcos sa kung papaano ito tugunan ng Pilipinas lalo na ang mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
Gayunpaman ayon sa Pangulo gagawa ng paraan ang kaniyang gobyerno upang maprotektahan ang mga Pilipino.
Sa ngayon mas lalong umiinit ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa patuloy at iligal na pananakop ng China sa ilang bahagi ng EEZ ng bansa. (Vanz Fernandez)