Advertisers

Advertisers

Barbie 3 beses na-ekis sa audition

0 14

Advertisers

Ni Jovi Lloza

SA pagbabalik tanaw ni Barbie Forteza ay bigla na lang nag-throwback sa kanya ang tatlong beses na pagiging nganga.

Meaning, nabigo na makamit ang minimithi nito. Bata pa lang ay hilig na nito na maging artista.



Kaya naman halos lahat ng serye ni Marian Rivera na naghahanap ng young Marian ay nangahas na mag audition si Barbie.

Sa bawat attempt nito ay pawang kabiguan ang natamo nito not once but thrice.



Pag amin pa ng petite Kapuso actress na tatlong beses na siyang na-ekis.

Una na nga nang mag audition ito sa isang Mexican adaptation na serye na Marimar at sumunod bilang young Marian ulit sa Dyesebel at bilang young Marian sa Darna.



Pinalad na raw siya nung naghahanap ng young Rhian Ramos para sa Stairway To Heaven.

Dahil iyak lang ito nang iyak at doon na nagkasunud sunod ang project nito sa Kapuso network.

***

JENNYLYN AT CARLA KAPUSO PA RIN
MARAMING nakapansin sa latest na station id ng GMA 7 na bukod tangi na ang dalawang Kapuso actress ay kapansin pansin na di nila na sight.

Kaya malakas ang bulungan na tila nagbabadya ng pag-oober da bakod.

Na-inform kaya sina Jennylyn Mercado at Carla Abellana o sadyang may importante lang nilakad ang dalawang aktres?

Pero salag ng mga avid fan nina Jennylyn at Carla na malabo raw lumipat ang dalawa dahil may mga project pa sila sa Kapuso tulad ni Carla na may bagong serye na kasama si Bea Alonzo.

Si Jennylyn naman ay loyal daw sa pinagmulan nitong network na Kapuso nga.

Pero if ever nga may badya ng paglipat sa Kapamilya network ang dalawang Kapuso actress ay magpapaalam ito nang maayos sa kanilang mother studio.

Sa kabila ng naglabasang ugong na lipatan ay nagsalita na ang nanagement na walang lipatan na mangyayari at mananatili pa rin silang Kapuso
Well, well, well …’Yun na!