Advertisers
Ni Rommel Placente
SA magkahiwalay na panayam kina Darren at Jayda Avanzado sa show na Fast Talk With Boy Abunda, kapwa nila inamin na noong mga bata pa sila ay nagkaroon sila ng relasyon.
Sabi ni Jayda, “Ito po ang masasabi ko, Tito Boy, totoo po na there was something romantic between us noong mga bata pa kami. But it was something I look fondly back on. Ito lang ang masasabi ko, it was a mutual understanding.”
Sa pagbisita muli ni Jayda sa Fast Talk with Boy Abunda sa ikalawang pagkakataon, nakasama naman niya ang amang si Dingdong Avanzado, kung saan na-tackle ang past relationship ng singer-actress.
At dito, nabanggit ni Jayda na hindi nila napag-usapan ng kanyang ama ang tungkol sa nakaraan nila ni Darren.
“To be honest though, I don’t think I ever actually directly talked about it. Not yet. Siguro ngayon lang. Dito talaga natin mapag-uusapan. Hahahaha!” natatawang sabi ng magandang anak nina Dingdong at Jessa Zaragoza.
Patuloy niya, “But when it comes to my dad, sometimes I don’t need to tell. Eventually, we talk about it as time passes,” aniya pa.
Sabi naman ni Dingdong, maraming guys na nai-intimadate kay Jayda.
“Boys ang mas intimidated sa kanya.
“Sa umpisa, may attempt, pero after a while, they have second thoughts or chicken out because she’s got a good personality and a good head above her shoulders,” sabi ni Dingdong.
“I trust that she will choose well. Normal na you will see these boys and you will like each other. Ang sinasabi ko lang sa kanya is don’t forget her responsibilities and priorities,” dagdag pa ng OPM artist.
Aware rin daw si Dingdong na ibang-iba na ang takbo ng entertainment industry ngayon kung ikukumpara noong panahon nila ni Jessa kaya naiintindihan niya ang mga nagiging desisyon ni Jayda when it comes to her career.