Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGSALITA na si Maris Racal sa hiwalayan nila ng Rivermaya vocalist na si Rico Blanco.
Ilang araw na rin naman na may sitsit na hiwalay na umano ang five years long relationship na sina Maris at Rico pero wala ngang confirmation mula sa celebrity couple.
Katunayan isa sila sa dalawang couple na sinasabing hiwalay na.
Sa isang event kung saan naroroon si Maris ay natanong siya hinggil sa break up nila ni Blanco.
Hindi maiwasang maging emosyonal ang singer/actress bago sagutin ang tanong.
Aniya, “I’m so scared. I’m really scared ang dami kasing tanong about him. And I was kind of smiling and nodding. I’m so scared because if I announce it, then it’s real. Yeah, Rico and I are over.”
Kelan pa?
“It’s fresh. It’s been a few weeks. The loneliest, emptiest weeks I’ve ever experienced in my life,” sagot niya.
Para raw malampasan niya ang heartache ay nanonood na lang siya ng Bluey.
“Well, wala nang tanong, but…”
Ayaw pa ring tumigil ang media pipol ng kanilang mga tanong.
“Wala akong short answer for it. Hindi ko rin siya malabas ng isang statement lang kasi hindi gano’n kadali. Hindi gano’n kadali. Sobrang complicated ng situation,” sagot niya habang umiiyak.
Patuloy niya, “Rico and I, our universe was so beautiful. It was so full of love, laughter, music, everything. It’s spontaneity. Everything. Sa five years namin together, we were always on the same page. Always on the same page. I don’t know what happened. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life.
“I had visions of who I wanted to become and how I wanted to evolve. I’m so curious about the world. And the truth is, I am going through changes. And alam naman natin iyan, change is either good or bad. But what I hate about change is that it’s inevitable. ‘Di mo siya matatakasan. And wala ka na ibang gawin, you have to face it and confront it. It’s been in the back of my head. So yeah, I told Rico about it. I told him my problems and my issues. And he looked at me like a man,” pag-amin niya sa naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Pero pinagdiinang minahal niya ito at ganundin ito sa kanya.
“It was a very difficult talk. Because I loved him so much. I love him, and he loves me. But I have so many questions about my life. How will I go on? Sa buhay with him. I have so many questions about me and my sense of self. It was so difficult. But it was a very polite separation. Up to the very end of our relationship, it was still full of love. Full of understanding. And Rico is one of a kind. If only I could skip through my twenties, you know. But I can’t. I have to face it.
“I have to sit with my feelings and acknowledge my changes. Ayun lang,” wika pa ni Maris.
Itinanggi niyang may third party sa kanilang breakup.
***
ANDI TINARAYAN
ANG NETIZEN
KAHIT natarayan ni Andi Eigenmann ang isang netizen na gustong magpa-selfie sa kanya dinepenaahan ng netizens ang ginawang pagtataray ni Andi.
Komento ng netizen, “wow, medyo suplada pala sis Ganda”
“Entitled masyado. Kung di napagbigyan, sisiraan. Alam nang may ginagawa. Walang utak.”
“Pasalamat nga siya may nagpapa picture pa sa kanya eh artista pa ba siya? Sabagay si Diwata nga dinudumog eh. Ano ba mapapala niyo sa picture niyo na katabi artista o kung sino man? Wala naman natatarayan pa kayo”
“Yup tama naman si Andi. Wait for your turn!”
“Hindi nagpatinag si kuya lol chance mo na kuya sa 15mins of shame este fame pala kaya ishare mo na sa amin ano naramdaman mo sa eksena niyo ni Andi charot”
“Gusto ko yung mga ganitong caught on cam na tarayan sa fans pero this one di na ko nagulat. I mean, what’s new’
“Wala namang cnabing masama si andi she just told him to wait for his turn kasi may nauna.”
“Well, give her some space naman kasi. Pumayag naman magpa-picture. So agree ako sa kanya except ung tone”
“My gosh.. nagmamadali nga yata si andie. What if need niya pala bumalik agad sa kids kaya she cannot stay for too long tapos haharangan siya ng mga gusto lang magpa pic. Kaloka”
“Puede ba NEGAtizens matuto kayong magset ng boundaries. Kung ayaw wag ng magpakaampalaya! Tpos magpropose kayo ng kung anu ano. Give them space”
“Sorry, but I’m with Andie on this. Huwag bastos kung ayaw mabastos. Hindi yan robot.”
“Off nga lang ng tone nya. Nag “sir” nga and what not pero mataray tone. Sarcastic “Sir”. Nega naman yan ever since.”
***
ALDEN TUMAPAK NA SA IT’S SHOWTIME
GUEST si Alden Richards sa It’s Showtime kahapon.
Nagtaka lang po ang inyong lingkod dahil kung hindi kami nagkakamali, minsan ay nabanggit ng actor na hindi siya magge-guest sa noontime show dahil forever umano siyang Dabarkads.
Kaya ang tanong, pinaalam kaya ni Alden sa kanyang Dabarkads na siya ay nasa It’s Showtime?
Anyway, wala naman din sigurong masama, dahil naka-collab ang It’s Showtime sa GMA Network kung saan si Alden ay kanilang artist.
Marami namang pinasaya ang actor na madlang pipol, lalo nang isigaw niya ang WHAT’S UP MADLANG PIPOLLLL.
Ang nakakatuwa pa sa Kapuso aktor ay inikot niya ang nasa audience at pinaunlakan niya ang mga ito nang nakikipagkamay at bumebeso sa kanya.
Sabi nga ni Kim Chiu, “Alden hindi na raw maghihilamos ang mga audience na nahalikan mo para hanggang sa pagtulog nila ay nararamdaman daw nila ang malambot mong labi.”
Natawa si Alden sa sinabi ni Chinita Princess.
Kaya nasa noontime show ang aktor dahil nagpromote siya ng teleserye nila ni Barbie Forteza, ang Pulang Araw.
By next week daw ay lilipad na rin sila ng grupo ng Hello Love Again sa Canada para magshoot naman ng movie nila ni Kathryn Bernardo.