Advertisers
Mas mahigpit na version ng Anti-Political Dynasty bill ang inihain nina House Speaker Faustin Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos.
Ito ay ang House Bill number 6771 na nagbabawal sa sabay-sabay o sunod-sunod na paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan ng mga magkakamag-anak hanggang ikaapat na antas, legitimate o illegitimate, at half o full blood.
Saklaw nito ang magulang, anak, magkapatid, tiyuhin, tiya, pamangkin, pinsan, at iba pang nasa parehong antas.
Sa panukala nina Dy at Marcos ay bawal din ang pagtakbo o paghawak ng posisyon ng mga common-law spouse o kinakasama, upang maiwasan ang anumang paraan ng pag-ikot o pag-iwas sa batas.
Para naman sa mga kongresista, provincial, municipal at baranggay official, sinoman sa kanilang kamag anak ay hindi maaring tumakbo o humawak ng pwesto sa kaparehong distrito, provincial, municipal, city o barangay office.
Sa bahagi naman ng Senado ay hindi papayagan na sabay umupo ang nabibilang sa iisang pamilya tulad ng magkapatid.
Samantala sa ilalim ng panukalang batas, pagbabawalang maupo sa posisyon sa gobyerno ang asawa, kapatid, at iba pang kamag-anak sa ilalim ng fourth civil degree ng pagiging kamag-anak ng isang nahalal na opisyal.
Isa ang Anti-Political Dynasty Bill sa apat na prayoridad na batas ni Pres. Bongbong Marcos na maipasa sa Kongreso
***
Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 0939-7177977-0936-8625001 o di kaya mag-email: balyador69@gmail.com