Advertisers

Advertisers

Illegal voter registrants sa Malabon ikinababahala ng mga residente

0 7

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang mga residente ng Malabon dahil sa pagdagsa ng nagparehistrong mga botante mula sa iba’t ibang lugar partikular ang mga karatig lungsod sa CAMANAVA area.

Dahil dito, hiniling nila sa Commission on Elections na gumawa ng hakbang para maiwasan ang illegal voter registrants na kagagawan umano ng mga politikong may planong babuyin ang May 2025 election.

Hinimok ng mga residente ang Comelec na busisiing mabuti ang mga requirement na ipinapakita ng nagpaparehistrong ‘outsiders’ para masigurong maiiwasan ang dayaan sa araw ng halalan.



Karamihan sa illegal registrant ay mga residente ng Navotas na dinala umano ng isang politikong may record ng vote-buying para irehistrong botante ng Malabon.

Bukod sa Navotas ay may mga residente rin mula sa Caloocan City, Valenzuela City, Tondo, Manila, Bulacan at iba pang lugar ang na-monitor na nagpaparehistro sa Comelec para maging botante ng lungsod.



Samantala, hiniling din ng naturang nababahalang residente sa kapwa Malabonians na maging alerto, magmatyag at ireport, makipagtulungan sa Comelec para mapigilan ang non-city residents na maging botante sa Malabon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">