Advertisers

Advertisers

Empleyado ng Manila City huli sa pangongotong

0 19

Advertisers

ARESTADO ang isang empleyado ng Manila City Hall nang gamitin ang posisyon para kikilan ang mga sidewalk vendor.

Sa ulat, sa isang video mapapanood ang pagbaba ng isang babae galing sa sasakyan, lumapit sa isang lalaking nakasuot ng kulay pulang t-shirt sa bahagi ng San Marcelino Street, Maynila.

Ilang saglit lang, dinakip na ang lalaki na empleyado pala ng Manila City Hall, na subject ng entrapment operation ng Special Mayor’s Reaction Team ng Manila Police District.



Ayon sa Special Mayor’s Reaction Team, nagreklamo ang isang complainant na halos apat na linggo na itong hina-harrass ng suspek upang magbigay ng P500 kada linggo.

“‘Pag hindi raw po ako magbibigay ng lingguhan, ipapahuli niya ang kariton ko o ipagigiba niya po” sabi ng biktima.



Ilang kapwa tindera niya ang napilitan din magbigay ng “lagay” sa naturang lalaki dahil sa takot.

Ginagamit umano ng lalaki ang MPD SMaRT at sinabing dito napupunta ang mga lagay nila.



Ngunit ayon sa MPD SMaRT, hindi ito pinapayagan ng kanilang tanggapan.

Inilahad ng lalaki na mahigit anim na buwan na niyang ginagawa ang pangingikil.

“Tumutulong lang kami sa kanila para hindi sila mahuli, sir, sayang kasi panggastos din ‘yung ibinibigay nila. May sakit po ako, may diabetes ako,” sabi ng lalaki.

Nasa kustodiya na ng MPD SMaRT ang lalaki, na sasampahan ng reklamong ‘robbery by extortion’.(Jocelyn Domenden)