Advertisers

Advertisers

HR MANAGER NG GOLF CLUB SA CAVITE TINUMBA!

0 34

Advertisers

NASAWI ang babaeng Human Resource (HR) manager ng isang golf club at residential estate nang barilin ng riding in tandem sa General Trias City, Cavite, Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Josephine Agoncillo Sasi, 36 anyos, HR ng Eagle Ridge Golf and Country Club and Residential Estates.

Ayon sa report, 5:15 ng hapon nang mangyari ang pamamaril sa harap ng gate ng Metro South Subdivision sa Governors Drive, Barangay Manggahan.



Kabababa pa lamang ng biktima sa kanilang shuttle service at naglalakad sa harap ng subdivision nang barilin ito ng angkas ng motorsiklo.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang riding in tandem na parehong nakasuot ng full face helmet at parehong naka-itim ng jacket, sakay ng kulay itim na motorsiklo patungo sa direksyon ng Trece Martires City.



Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa ulo at idineklarang dead on arrival sa ospital.

Ayon kay Lt. Colonel Jaymar Marbella, hepe ng General Trias Police, nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang kanilang mga imbestigador at mayroon na silang nakikitang motibo sa krimen pero itinanggi muna niya itong tukuyin.
Nangangalap narin sila ng kuha ng CCTV para matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">